Sadsad Tamesis Legal and Accountancy Firm

A Quick Explainer on Buwan ng Wika: Its Legal Basis, Origins, and National Significance

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto ay isang testamento sa gampanin ng ating nasyon upang isaalaala, paunlarin, at palawigin ang mayaman na kasaysayan at paggamit, hindi lang ng ating wikang pambansa, kundi pati ang mga wika, diyalekto, at bernakular tumulong sa pagbuo nito at ating pagkakilanlan bilang Pilipino.

Ang selebrasyon nito ay alinsunod sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, na nagtalaga sa buong buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa o Buwan ng Wika.

Ngunit saan at paano nga ba nagsimula ang pagdiriwang nito?

Kasaysayan

  • Sa Saligang Batas ng Biak-na-Bato noong 1896, itinakda ang Wikang Tagalog bilang opisyal na wika ng Pilipinas.
  • Naging layunin ng Komisyong Schurman noong 1899 na gamitin at ituro ang wikang Ingles sa mga paaralan.
  • Sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935, inatasan ang Kongreso upang gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. 
  • Ngunit dahil wala pang nangangasiwa at nagpapalaganap ng mga patakaran at inisyatiba ukol dito, at dahil wala pa ring napipiling katutubong wika upang maging batayan ng pambansang wika, Ingles at Espanyol ang naging wikang opisyal ng bansa. Buhat dito, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sa ilalim ng Batas Komonwelt Blg. 184 noong 1936 upang magkaroon ng tanggapan na “na mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.”
  • Iprinoklama na Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa noong 1937 alinsunod sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 sapagkat ito ang pinaka-tumugon sa mga pamantayan na: “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino.”
  • Pagsapit ng 1940, inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 na iniutos ang pagpapalimbag ng “A Tagalog-English Vocabulary” at “Balarila ng Wikang Pambansa”, at ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
  • Gayunpaman, noong 1942, ginawang opisyal na wika ang Nihonggo at Tagalog sa bisa ng Ordinansa Militar Blg. 13. Ito ay kinalaunang nagwakas matapos lumaya ng bansa sa kolonya ng Hapon.
  • Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570 (7 Hunyo 1940) na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino bilang isa sa mga opisyal na wika ng Filipinas pagsapit ng 1946.
  • Binuo ang Panatang Makabayan noong 1950
  • Matapos ang panahon na tila naudlot ang paglilinang sa Wikang Pambansa,  nilagdaan ni dating Pangulo Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 noong 1954 na naglayon ng taon-taonang pagdiriwang ng Linggo ng Wika (o Linggo ng Wikang Pambansa) tuwing Marso 29 hanggang Abril 04. 
  • Ang pormal na salin ng Pambansang Awit ay naging opisyal noong 1956.
  • Ang naunang Proklamasyon Blg. 12 (1954) ay sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186 at nilipat ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13 hanggang 19, kasabay sa paggunita ng kaarawan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon na siyang tinuturing na “Ama ng Wikang Pambansa.”
  • Ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1959) ni dating Kalihim Jose Romero ng Kagawarang ng Edukasyon ay opisyal na tinawag ang wikang pambansa bilang ‘Pilipino’ na kapalit nang mahabang titulo o tawag na ‘Pambansang Wikang Filipino’.
  • Sa Saligang Batas ng 1973, ang ‘Pilipino’ ay naging ‘Filipino’.
  • Ang mga batas-tagapagpatunay katulad ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967), Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968), at Kautusang Tagapagpaanap Blg. 187 (1968), ay idineklara ang opisyal na paggamit ng Pilipino sa mga opisyal na komunikasyon, imprastraktura, at/o materyales ng Estado.
  • Naisalin noong 1986 ang Saligang Batas ng 1987 sa tulong ng SWP.
  • Ayon sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV:
    • Sek. 6: “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino”. Ito dapat payabungin batay sa mga katutubong wika at iba pang wika.
    • Sek. 7-9: ”Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika ng rehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo.”
  • Sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ni Pang. Corazon Aquino noong 1987 nalikha ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP), kapalit ng SWP.
  • Sa pamamagitan ng Batas Republika Blg. 7104 noong 1991, itinatag ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
  • Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, itinalaga ang buong buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa o Buwan ng Wika.

Ang kasaysayan ng wikang pambansa ay salamin ng mahabang pakikibaka ng sambayanang Pilipino upang magkaroon ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng wika at kultura. Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, mahalagang balikan at ipagdiwang ang mayamang kasaysayan nito upang mapatibay ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino at mas mapalalim ang ating pagpapahalaga sa wikang nag-uugnay sa atin bilang isang bansa.


Disclaimer: The content of this blog is for informational and educational purposes only and should not be considered as legal advice. While we strive to provide accurate and up-to-date information, the blog does not create an attorney-client relationship. For legal concerns or specific legal guidance, please consult a qualified lawyer.

To read more STLAF legal tidbits, visit www.sadsadtamesislaw.com/bits-of-law.
For comments, suggestions, and inquiries, email legal@sadsadtamesislaw.com.


Author/s: Patricia Mae L. Minimo
About the author: Patricia Mae L. Minimo is the STLAF's Legal Writer-Researcher. She is a Communication graduate from the University of the Philippines – Baguio with a major in Journalism and a minor in Speech Communication.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

gacor4d slotgacor4d sakuratoto3 totoagung amintoto qdal88 totokita3 qdal88 cantiktoto slot gacor 4d gacor4d gampang menang toto slot slot gacor 4d slot gacor maxwin agen toto slot gacor maxwin idn slot slot gacor slot gacor 4d slot gacor slot gacor 4d toto macau slot thailand toto slot slot thailand slot qris slot gacor gampang menang
  • sakuratoto2
  • situs gacor terpercaya
  • toto slot
  • slot togel
  • https://157.245.54.109/ https://128.199.163.73/ https://cadizguru.com/ https://167.71.213.43/